^

Metro

Bolt Cutter Gang umaariba na naman

-
Tinatayang milyong halaga ng mga alahas ang natangay ng tatlong miyembro ng bolt cutter gang nang looban ng mga ito ang isang pawnshop at limasin ang mga alahas sa vault nito, kamakalawa ng madaling-araw sa Marikina City.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:30 ng madaling-araw noong Sabado nang matuklasan ang panlilimas ng mga suspect sa RMR Sanglaan sa Colt St., Brgy. Concepcion Dos na pag-aari ng isang Rey Renado 51-anyos.

Ayon kina Reynaldo Eugenio 48, at Moises Erestain 49, pawang mga caretaker ng compound na kinatitirikan ng nasabing pawnshop, isa sa mga suspect na nagpakilalang Daniel Valdez ang nagpanggap na uupa sa isa sa mga kwarto ng apartment na kalapit ng pawnshop.

Dakong alas-7:30 ng gabi noong Biyernes ay bumalik si Valdez kasama ng dalawa pang suspect at nagpaalam sa mga caretaker na lilinisin ang kanilang uupahan.

Matapos nito ay niyaya ng mga suspect ang dalawang caretaker na mag-inuman hanggang sa malasing ang mga ito. Nang masigurong lasing na ang mga caretaker ay agad na isinakatuparan umano ng mga suspect ang panlilimas sa pawnshop.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na nilimas ng mga suspect ang mga alahas sa pamamagitan ng pagsira sa vault gamit ang acethelyn.

Narekober naman ng pulisya sa loob ng nasabing pawnshop ang isang acethelyn at portable oxygen tank na ginamit ng mga suspect. (Edwin Balasa)

COLT ST.

CONCEPCION DOS

DANIEL VALDEZ

EDWIN BALASA

MARIKINA CITY

MOISES ERESTAIN

REY RENADO

REYNALDO EUGENIO

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with