^

Metro

Assorted firecrackers at boga sinunog/ sinira

-
Bago magsimula ang pagdiriwang ng Bagong Taon, sinimulan kahapon ng pamunuan ng Central Police District at Northern Police District ang pagsunog at pagsira sa saku-sakong iba’t ibang uri ng paputok at boga na nakumpiska sa mga ilegal na nagdadala at nagtitinda nito.

Ang seremonya ay pinangunahan ni Philippine National Police chief General Oscar Calderon kasama si National Capital Region Office director Reynaldo Varilla kung saan daan-daang mga paputok ang sinilaban nito.

Ayon kay Calderon, ang pagkumpiska sa mga paputok ay bilang pag-iingat sa mga mamamayan na hindi mauwi sa disgrasya ang pagsalubong nila sa Bagong Taon.

Hinikayat din ng opisyal ang mamamayan lalo na ang mga magulang na pagbawalan ang kanilang mga anak na gumamit ng paputok lalo na ang boga at ituro sa kanilang mga anak ang kahalagahan ng pag-iingat. (Ricky Tulipat)

AYON

BAGONG TAON

CENTRAL POLICE DISTRICT

GENERAL OSCAR CALDERON

NATIONAL CAPITAL REGION OFFICE

NORTHERN POLICE DISTRICT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REYNALDO VARILLA

RICKY TULIPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with