^

Metro

QC fire: P30M natupok

-
Bagamat patuloy ang babala ng mga awtoridad, isa na namang sunog ang sumiklab kung saan tinatayang aabot sa P30 milyon nang tupukin ng apoy ang isang foodmart building na kinaroroonan ng Goldilock’s sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Sa report ni SPO1 Manuel Robles, arson investigator ng Quezon City Central Fire Dept., dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang lamunin ng apoy ang gusali ng Unilane Foodmart sa Visayas Avenue, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Lumilitaw na nagsimula ang apoy bunga ng faulty wiring sa nakasarang bodega sa mezzanine ng Unilane kung saan nadamay din ang isang apartment na nasa likod ng nasabing establisimiyento.

Ayon kay Emmanuel Enciso, may-ari ng gusali, pati ang umuupang Goldilock’s bakeshop ay natupok din at tinatayang nasa P15 milyong halaga ang nasunog.

Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa sunog na umabot sa Task Force Delta at naapula ito ng mga pamatay-sunog matapos ang halos apat na oras. (Doris Franche)

DORIS FRANCHE

EMMANUEL ENCISO

GOLDILOCK

MANUEL ROBLES

PASONG TAMO

QUEZON CITY

QUEZON CITY CENTRAL FIRE DEPT

TASK FORCE DELTA

UNILANE FOODMART

VISAYAS AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with