Trader patay sa holdap
December 29, 2006 | 12:00am
Isang 53-anyos na negosyante ang nasawi matapos itong holdapin ng dalawang magkaangkas sa motor na lalaki at natangay pa ang may isang milyong cash ng una, kamakalawa sa Parañaque City.
Sa naantalang report na nakarating sa tanggapan ng Southern Police District (SPD) Director, Chief Supt. Roberto Rosales, kinilala ang biktimang si Anastacio Padas, nakatira sa Block 3, Seaside Square, Brgy. Tambo, Parañaque City, nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.
Mabilis namang tumakas ang mga suspect matapos ang isinagawang krimen.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi sa kahabaan ng Quirino Avenue, ng nabanggit na lungsod habang lulan ang biktima sa isang Ford Fierra, na may numero ng plaka WER-188 at kasama ang misis na si Cristina, 53.
Isa sa suspect ay nagkunwaring tatawid dahilan upang magpreno si Anastacio. Sa pagtigil nito, biglang sumulpot ang isa pang suspect at saka nagdeklara ng holdap. Kasunod nito ay walang sabi-sabing pinagbabaril ng mga suspect ang biktima, na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. Mabilis ding inagaw ng mga suspect ang isang bag kay Cristina na doon nakalagay ang may isang milyong pisong cash.
Nabatid na katatapos lamang mangolekta ng mag-asawa sa mga vendor ng may utang sa kanila nang maganap ang insidente. Isang masusing imbestigasyon pa rin ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. Si Cristina ay pangalawang asawa ni Anastacio. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended