P10 milyon tupok sa sunog
December 28, 2006 | 12:00am
Tinatayang aabot sa P10 milyon ang halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog na naganap sa isang warehouse sa Manotoc Compound, Brgy. Baesa, Quezon City.
Nabatid na dakong alas-11:56 ng umaga nang magsimula ang sunog sa warehouse ni Alfonso So sa nabanggit na lugar.
Ayon kay Arlene de Cano, supervisor, isang empleyado umano ang sumigaw ng sunog na nagmula sa tambakan ng tissue paper na mabilis namang kumalat.
Nabatid na nakatakdang ideliber sa mga grocery at pamilihan ang mga nasa warehouse na kinabibilangan ng tissue, alcohol, lotion at diapers.
Umabot sa Task Force Charlie ang alarma ng sunog na naapula matapos ang isang oras. Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa naganap na sunog. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest