Oplan Baklas Billboard tuloy sa Enero
December 28, 2006 | 12:00am
Ipagpapatuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kanilang "Oplan Baklas Billboards" pagkatapos ng holiday season. Ayon kay DPWH Secretary Hermogenes Ebdane, itutuloy nila ang pagbaklas sa mga billboard na lumalabas sa mga hinihinging requirements sa ilalim ng Implementing Rules and Regulation ng National Building Code. Nilinaw ni Ebdane na pansamantala lamang ang suspension sa operasyon ng Oplan Baklas Billboard ngayong holiday season upang bigyang-daan ang pagdagsa ng mga motorista sa mga pangunahing lansangan mula Disyembre hanggang sa unang linggo ng Enero. Idinagdag pa ni Ebdane na patuloy din ang pakikipag-ugnayan nila sa MMDA at mga local building officials sa buong bansa upang masiguro na nakakasunod sa mga itinatakdang requirements ang lahat ng inilalagay na billboards. Sa kasalukuyan, umaabot na sa 13,925 ang nainspeksiyon na billboard ng DPWH at mahigit 8,000 na ang nabaklas sa buong bansa at halos sa 3,000 sa nasabing bilang ay mula sa Metro Manila. (Gemma Amargo-Garcia)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am