^

Metro

Lolo dedo sa parak

-
Isang 62-anyos na lolo ang binaril sa mukha hanggang sa mapatay ng isang kagawad ng Taguig City Police matapos tanggihan ng una ang paghahamon ng suntukan ng huli, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Patay na nang idating sa Muntinlupa Community Hospital ang biktimang si Alfredo Nicolas, ng #78 Katihan St., NBP Reservation, Barangay Poblacion, ng lungsod na ito sanhi ng tinamong tama ng bala ng kalibre .9mm sa pisngi na tumagos sa likurang bahagi ng kanyang ulo.

Tumakas naman kaagad ang suspect na si PO3 Arnel Pasigan matapos ang pamamaril, dala ang kanyang service firearm na ginamit sa pamamaslang.

Batay sa ginawang pagsisiyasat ni SPO1 Ricardo Gomez ng Criminal Investigation Unit (CIU) ng Muntinlupa City Police, nag-iinuman ang grupo ng biktima sa tapat ng kanilang bahay dakong alas-9 ng gabi nang lumabas ng bahay ang pulis at sinaway ang maingay na katuwaan ng grupo.

Bitbit umano ni Pasigan ang kanyang baril nang lumabas ng kanilang bahay at isa-isang hinamon ng suntukan ang mga nag-iinuman.

Nang walang pumatol sa paghahamon ng pulis, lalo umanong nairita ang suspect at dalawang ulit na nagpaputok ng kanyang baril na ang isa ay tumama sa mukha ng biktima.

Sinabi ni Supt. Jose Mario Espino hepe ng Muntinlupa City Police na nakipag-ugnayan na siya kay Taguig City Police Supt. Alfred Corpus para sa agarang pagdakip kay Pasigan matapos mabigo ang follow-up unit ng pulisya na maaresto sa kanyang tirahan ang suspect. (Lordeth Bonilla)

ALFRED CORPUS

ALFREDO NICOLAS

ARNEL PASIGAN

BARANGAY POBLACION

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

JOSE MARIO ESPINO

KATIHAN ST.

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with