21 sugatan sa PVC bazooka, lolo kritikal sa watusi
December 26, 2006 | 12:00am
May 21 katao ang isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) na nasabugan ng PVC bazooka at iba pang paputok, habang isang 90-anyos na lolo naman ang nasa kritikal na kalagayan makaraang makalunok ito ng watusi sa selebrasyon ng Kapaskuhan sa Maynila.
Ayon sa ulat ng pulisya, ang biktimang si Respicio Manilili, residente ng Laguna ay isinugod sa nasabing pagamutan makaraang makalunok ito ng watusi na naihalo sa kanyang pagkain.
Labing-walo naman katao ang nasugatan makaraang masabugan ng PVC bazooka na kinabibilangan ng dalawang 6-anyos na bata na sina Jason Villanueva ng Araneta Avenue, Quezon City at Rodel Sebastian na nasabugan naman sa mata.
Samantala, nanganganib na maputulan naman ng kanyang kaliwang binti ang 16-anyos na si Ronaldo Corpuz na tinamaan naman ng ligaw na bala. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest