^

Metro

Mall sinalakay ng 9 armado, payroll money tinangay

-
Sinalakay at nilooban ng 9 na kalalakihan na pawang nakasuot ng uniporme ng CIDG-PNP na armado ng long firearms ang isang sangay ng Gotesco Mall, kahapon ng madaling-araw sa Commonwealth Avenue, Quezon City. 

Ayon kay QC Police Chief Dir. Gen. Magtanggol Gatdula, dakong alas-2 nang madiskubre ang insidente nang isa sa mga sekyu ng nasabing mall ang nagawang makatawag sa Station 6 ng QC Police at ipaalam ang nangyayari sa loob ng mall.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya na pwersahang binuksan ng mga suspect ang entrance ng mall gamit ang vault cutter.

Hininala naman ni Gatdula na inside job ang naganap na krimen. Isa sa mga sekyu naman ang sugatan sa nasabing insidente nang pukpukin ito ng baril sa ulo ng mga suspect, habang ang ilan sa mga kasamahan naman nito ay pinosasan naman ng mga huli.

Agad namang isasailalim sa masusing imbestigasyon ng pulisya ang 12 security guards na nagbabantay sa mall.

Sinabi din ni Gatdula na maging ang mga tauhan ng mall ay iimbestigahan upang malaman kung may kinalaman din ang mga ito sa naganap na nakawan.

Kasalukuyan ring inaalam kung magkano ang kabuuang halaga na natangay sa Gotesco ng mga suspect na nagkanya-kanyang nagsitakas.

Hindi pa mabatid kung grupo nga ng hold-up and robbery syndicate ang mga ito. (Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

COMMONWEALTH AVENUE

CRUZ

GATDULA

GOTESCO MALL

MAGTANGGOL GATDULA

POLICE CHIEF DIR

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with