Kolektor pumalag sa holdap, niratrat!
December 25, 2006 | 12:00am
Pinagbabaril ng dalawang hinihinalang miyembro ng robbery hold-up gang ang isang kolektor na himalang nakaligtas matapos na ito ay magpa-ekis-ekis upang maiwasan ang mga balang pinapakawalan ng mga suspect habang parehong sakay ang mga ito ng motorsiklo, kamakalawa sa Caloocan City.
Kasalukuyang naka-confine at ginagamot sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital ang biktima na kinilalang si Roberto Billedo, 35, may-asawa, messenger at collector ng door-to-door business at residente sa 3181 Visita St., Sta Cruz, Manila bunga ng isang tama ng punglo sa hita.
Sa imbestigasyon ni PO2 Leo Pineda, ng Station Investigation Bureau, dakong ala-1:30 ng hapon habang sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo na may plakang XR-7550 sa may St. Paul St., Brgy 186, Tala sa lungsod para maghatid ng pera sa isang kustomer sa lugar nang sumulpot ang dalawang suspect na armado ng baril mula sa kanyang likuran sakay din ng motorsiklo. Nang matapatan ang biktima ay agad na pinagbabaril ng mga suspect.
Maraming putok ang pinakawalan ng mga suspect subalit dahil sa pagiging maagap ng biktima ay tanging isang tama sa hita ang tinamo nito. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended