^

Metro

Mga baril ng NPD operatives binusalan

-
Upang masiguro na walang magpapaputok gamit ang kanilang service firearm ngayong araw ng Pasko, pinangunahan kahapon ni Nothern Police District (NPD) Director Chief Supt. Pedro Tango ang paglalagay ng masking tape sa mga baril ng kanyang mga tauhan.

Ang hakbang ng heneral ay isinagawa para tuluyang mapanatili ang katahimikan sa pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon at matiyak na walang mang-aabusong pulis partikular ang pagpapaputok ng baril

Ginanap mismo sa NPD headquarters sa Tanigue St., Kaunlaran Village, Dagat-dagatan, Caloocan City.

Ayon kay Tango, hindi maiaalis na may mga pangyayaring mismong mga pulis ang nasasangkot dahil na rin ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon ay nahahaluan ng pagsasaya sa pamamagitan ng pag-inom ng alak kung kaya taon-taon na nila itong ginagawa.

Iginiit ni Tango na isinasagawa taun-taon ang hakbang na ito mula na rin sa kautusan ng hepe ng PNP na ang layunin ay hindi upang maibaba ang moral ng kapulisan dahil sa kawalan ng tiwala kundi upang masigurong magiging matahimik at mapayapa ang pagseselebra ng Pasko.

Kaugnay nito, nagbanta si Tango sa lahat ng kanyang mga tauhan sa Camanava area na sinumang lalabag sa direktiba nito gaya ng pagpapaputok ng baril ng walang sapat na kadahilanan ay masisibak sa tungkulin.

Dahil dito, tiniyak naman ng NPD-District Intelligence and Investigation Division (DIID) na kanilang aarestuhin ang sinuman maging kanilang kasamahang pulis na lalabag sa kautusan. (Ellen Fernando)

vuukle comment

BAGONG TAON

CALOOCAN CITY

DIRECTOR CHIEF SUPT

DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

ELLEN FERNANDO

KAUNLARAN VILLAGE

NOTHERN POLICE DISTRICT

PASKO

PEDRO TANGO

TANIGUE ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with