4-anyos, hinostage ng addict
December 24, 2006 | 12:00am
Isang 4-anyos na batang lalaki ang nasugatan makaraang ihostage sa loob ng simbahan ng isang drug addict na agad ding nadakip ng mga awtoridad kahapon ng umaga sa Las Piñas City.
Ginagamot ngayon sa Las Piñas District Hospital ang biktimang si Laurence Hesmes ng Brgy. Manuyo II bunga ng trauma at sugat na nakuha mula sa patalim ng suspect na si Danilo Hemo, alyas Danny. 36 ng Phase 5, Brgy. Manuyo II, Las Piñas City.
Batay sa imbestigasyon ni SPO1 George Gabriel ng Criminal Investigation Unit, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga sa loob mismo ng St. Joseph Parish Church sa Diego Sierra Ave., Brgy. Daniel Fajardo, Las Piñas City.
Nabatid na naka-upo ang biktima kasama ang tiyahing si Kristine Garlejo Libria nang biglang lumapit ang suspect na nasa impluwensiya ng droga at saka nanutok ng patalim at i-hostage ang biktima.
Mabilis na dinala ng suspect sa loob ng simbahan ang bata hanggang sa magsimula ang negosasyon sa pangunguna ng Parish Priest na si Father Greg Garcia.
Nang hindi mapaki-usapan ang suspect, ay napilitan na ang mga pulis na magsuot ng sotana at magpanggap na mga sakristan hanggang sa madakma ang una.
Kasalukuyang nakakulong ang suspect habang inihahanda ang kaso laban dito. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest