Ito ay nang magsanib na ang puwersa ng mga elemento ng Department of Transportation and Communications (DOTC), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) at PNP-Traffic Management Office (TMG) para habulin ang mga taxi drivers na ayaw magpasakay at namimili ng pasahero lalo na sa mga mall sa Metro Manila.
Una rito, pinulong ni LTFRB Chairman Thompson Lantion ang mga taxi operators na abisuhan ang kanilang mga drivers na huwag mamimili at mang-iisnab ng pasahero upang hindi mahuli at maparusahan ng ahensiya.
Kaugnay nito, inamin naman ng mga taxi operators association leader tulad ni Leonora Naval ng ATOMM, Bong Suntay ng PNTOA na may mga driver na matigas ang ulo at mga pasaway. Hiniling ni Naval na ilagay ang litrato ng mga ito sa mga terminal para mabago ang sistema ng pamamasada, gayundin sa mga LTO at LTFRB offices.
Nais naman ni Suntay na bigyan ng isa pang lisensiya ang mga driver mula sa LTFRB bilang supervising agency sa mga pasaway na taxi drivers. Ang bagay na ito naman ayon kay Lantion ay kanyang pag-aaralan para sa kaukulang implementasyon at pag-aksiyon. (Angie dela Cruz)