2 paslit kinatay ng ina
December 23, 2006 | 12:00am
Parang baboy na kinatay ng isang ina na sinasabing may diperensiya sa pag-iisip ang kanyang dalawang anak na lalaki na may gulang na anim at dalawa, kamakalawa ng hapon sa Quezon City.
Tinangka pang isugod sa V. Luna Hospital ang mga bata ngunit binawian din nang buhay sa loob ng emergency room dahil sa tinamong dami ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan. Sila ay kinilalang sina Joner Nikko, 6; at Daniel Dennis Roca Opingga, 2; kapwa ng 30-Z Maningning Extension, Brgy. Malaya, Quezon City.
Mabilis namang naaresto ng mga opisyal ng Brgy. Malaya ang inang suspect na nakilalang si Rosally Opingga na nagtangka pang tumakas matapos ang isinagawang krimen.
Ayon kay PO3 Romeo Tandas ng Quezon City Police District, dakong alas-3:30 ng hapon nang marinig ng kanilang lola ang pag-iyak at paghingi ng tulong ng dalawang bata. Nang tingnan ito ni Lola Gerly ay nasaksihan niya ang ginagawang pananaksak ng kanyang manugang sa kanyang mga apo.
Isinugod pa ni Lola Gerly ang dalawang bata sa pagamutan subalit hindi na umabot nang buhay.
Nagtamo si Joner Nikko ng 24 na saksak sa katawan, samantalang 15 namang saksak ang tinamo ng bunsong si Daniel Dennis.
Ayon pa sa pulisya, dati na umanong may diperensiya sa pag-iisip ang suspect at hinihinalang muli na naman itong nawala sa katinuan.
Bago ang insidente ilang araw nang napapansin na palaging tulala, walang kibo at halos hindi na lumalabas ng kanilang bahay ang suspect.
Isinasailalim na sa pagsusuri ang salarin sa East Avenue Medical Center na sinampahan na rin ng kasong kriminal kahapon sa Quezon City Prosecutors Office.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest