^

Metro

Dahil sa diabetes, doktor nag-suicide

-
Dahil sa sakit na diabetes, winakasan ng isang doktora ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming gamot at magturok ng insulin sa kanyang tinutuluyang apartelle, kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Dr. Monica Geraldine Jarilla, 38, ng 502 Talisay St., Ayala Alabang Village, Muntinlupa City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-2:15 ng hapon ng matagpuan ang bangkay ni Jarilla sa loob ng Room 203 ng Fersal Apartelle sa Kalayaan Avenue, Quezon City.

Lumilitaw na Disyembre 16 pa nang mag-check-in ang biktima sa naturang apartelle kaya kamakalawa dakong alas-2:30 ng hapon ay pinuntahan na ito ng roomboy na si Joseph Mercado upang ipaalam na tapos na ang dalawang araw na pagtse-check-in nito.

Ngunit laking gulat ng roomboy nang makitang nakahandusay at may dugong lumalabas sa bibig at ilong nito.

Isang suicide note din para sa kanyang mga magulang ang nakita sa ibabaw ng mesa kasama ang iba’t ibang gamot at syringe na pinaniniwalaang ginamit nito sa pagpapakamatay.

Nakasaad sa iniwang suicide note, binanggit doon na dumaranas ang nasawi ng matinding diabetes. Wala namang nakitang external injuries ang mga awtoridad. (Doris Franche)

vuukle comment

AYALA ALABANG VILLAGE

BATAY

DORIS FRANCHE

DR. MONICA GERALDINE JARILLA

FERSAL APARTELLE

JOSEPH MERCADO

KALAYAAN AVENUE

MUNTINLUPA CITY

QUEZON CITY

TALISAY ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with