Kelot nandaya sa sabong, dinedo ng kapitbahay
December 20, 2006 | 12:00am
Matapos na mag-Simbang Gabi, dumiretso sa "tupada" o sabong ng manok ang dalawang magkapitbahay na naging mitsa ng kamatayan ng isa makaraang magtalo ang mga ito nang pagbintangan ang biktima na nandadaya sa Malabon City kahapon ng umaga.
Namatay noon din ang biktima na kinilalang si Wenceslao Araza, 55, may-asawa, obrero, ng Leono St., Brgy, Taniong, sa lungsod bunga ng tatlong saksak sa katawan.
Nahaharap naman sa kasong pagpatay ang arestadong suspect na si Pedro Sabio, 38, kapitbahay naman ng biktima.
Sa ulat ng pulisya, matapos na mag-Simbang Gabi ang biktima at suspect ay naisipan nilang magtupada sa bakuran ng biktima.
Dakong alas-8 nang simulan ng mga ito na paglabanin ang kani-kanilang alagang manok na panabong.
Nauna rito, nagpustahan ang dalawa ng halagang P600 para sa mananalong manok na maglalaban. Nanalo ang manok ng biktma pero pagdating ng singilan ay tumanggi ang suspect na ibigay ang napagkasunduang presyo ng pustahan sa halip ay P300 lamang ang ibinigay nito.
Ayaw magbigay ng buong pusta ang suspect dahil ikinakatwiran na dinaya siya ng biktima dahil may inilagay umano ito sa tari ng kanyang manok na ikinatalo ng manok ng una.
Pinilit ng biktima na singilin ang suspect hanggang sa magkaroon na ng mainitang pagtatalo. Nairita ang suspect hanggang sa kumuha ito ng patalim at sunud-sunod na inundayan ng saksak ang biktima.
Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspect subalit nakorner ito ni PO1 Anthony Delirio ng Malabon Police at mga rumespondeng barangay tanod sa lugar. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest