Pagpatay sa mga pulitiko tataas pa NBI
December 19, 2006 | 12:00am
Inihayag kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) na inaasahan na nilang madadagdagan pa at tataas ang bilang ng mga pamamaslang sa mga pulitiko habang nalalapit ang panahon ng halalan matapos ang pamamaslang kay Abra Rep. Luis Bersamin at pagtatangka sa buhay ng dalawa pang solon.
Sinabi ni NBI Director Atty. Nestor Mantaring na nagaganap ang bulto ng pamamaslang sa mga pulitiko tuwing sasapit ang panahon ng eleksiyon partikular na sa mga probinsiya na maglalaban ang mga malalaking pamilya na aktibo sa pulitika.
Nagsasagawa na rin ang ahensiya ng mga "parallel investigation" sa pagpatay kay Rep. Bersamin, pagpapasabog umano sa kotse ni Pasig City Rep. Robert "Dodot" Jaworski at banta sa buhay ni House Majority Leader Rep. Prospero Nograles.
Personal na nakatutok si Deputy Director for Regional Operation Services (DDROS) Atty. Reynaldo Esmeralda sa kaso ni Nograles. Nagtungo na ito sa Davao City kung saan naiulat na dito pagtatangkaan na paslangin ang mambabatas sa pagdalaw nito.
Nakatuon naman ang NBI-National Capital Region ni Atty. Ruel Lasala sa kaso ni Bersamin at Jaworski sa koordinasyon sa Philippine National Police (PNP). Nagsasagawa na rin ng manhunt operation ang NBI sa suspect sa pagpatay kay Bersamin matapos na makakuha ng "cartographic sketch" sa gunman nito.
Bukod sa tangkang asasinasyon, tinitingnan din ng NBI ang anggulo na posibleng "gimik" lamang umano ang pagpapasabog sa sasakyan ni Jaworski. May ilang sektor ang naniniwala na simpleng "technical problem" lamang ang pagkakasunog sa sasakyan nito at pinalaki lamang umano upang pag-usapan.
Sinabi ni Mantaring na wala naman umanong relasyon ang mga insidente sa tatlong mambabatas. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest