Nakilala ang mga nasawi na sina Remigio Lobina, alyas Boyok at Joseph Ejara, 36, na kapwa nakuhanan ng dalawang kalibre .38 na baril.
Ayon sa pulisya, matagal na umanong isinailalim sa surveillance operation ang dalawa na sinasabing kabilang sa "Ballasta Gang". Kabilang umano ang mga ito sa motorcycle tandem na nanghoholdap sa mga pedestrian, gayundin sa mga bangko.
Nabatid na natiktikan ng mga suspect ang presensiya ng mga awtoridad habang sakay ang mga ito sa isang Mitsubishi Lancer kung kayat mabilis na nagpaputok ang mga ito ng baril. Gumanti na rin nang pagpapaputok ang mga pulis na ikinamatay ng dalawang suspect.
Isa pa umanong kasama ng mga suspect ang nagawang makatakas.
Samantala, isang bystander na nakilalang si Edgar Sales, 15, ang tinamaan ng ligaw na bala kaugnay ng naganap na shootout. (Angie dela Cruz)