^

Metro

2 holdaper dedo sa shootout

-
Nabaril at napatay ng mga tauhan ng Quezon City Police ang dalawang kilabot na holdaper kahapon ng tanghali sa Commonwealth Avenue sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Remigio Lobina, alyas Boyok at Joseph Ejara, 36, na kapwa nakuhanan ng dalawang kalibre .38 na baril.

Ayon sa pulisya, matagal na umanong isinailalim sa surveillance operation ang dalawa na sinasabing kabilang sa "Ballasta Gang". Kabilang umano ang mga ito sa motorcycle tandem na nanghoholdap sa mga pedestrian, gayundin sa mga bangko.

Nabatid na natiktikan ng mga suspect ang presensiya ng mga awtoridad habang sakay ang mga ito sa isang Mitsubishi Lancer kung kaya’t mabilis na nagpaputok ang mga ito ng baril. Gumanti na rin nang pagpapaputok ang mga pulis na ikinamatay ng dalawang suspect.

Isa pa umanong kasama ng mga suspect ang nagawang makatakas.

Samantala, isang bystander na nakilalang si Edgar Sales, 15, ang tinamaan ng ligaw na bala kaugnay ng naganap na shootout. (Angie dela Cruz)

BALLASTA GANG

COMMONWEALTH AVENUE

EDGAR SALES

HOLY SPIRIT

JOSEPH EJARA

MITSUBISHI LANCER

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

REMIGIO LOBINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with