Dagdag na P.50 sa SLEX
December 18, 2006 | 12:00am
Sa kabila ng pagbaba ng 50 sentimo pasahe, magdadagdag naman ng 50 sentimo ang pamunuan ng Skyway dahil magtataas sila ng toll fee ngayong Enero, kung saan tinutulan ito ng ilang mga motorista na bumabagtas sa South Luzon Expressway (SLEX).
Ayon sa tagapagsalita ng Toll Regulatory Board (TRB) na si Julius Corpuz, apektado aniya ng toll hike ay ang mga behikulong nasa class 1 kabilang ang kotse, jeepney, pick-up truck at passenger van.
Nabatid na sa darating na Enero 2007, tataas ito P2 hanggang P5 kada section.
Sinabi ng ilang mga motorista na tila niloloko na lamang sila ng pamahalaan nang ibaba nito ang pasahe sa P7 subalit idinagdag naman bayad sa toll fee.
Nabatid na kada ika-dalawang taon ay magkakaroon ng pagtaas, ito at base sa nakasaad sa Supplementary Toll Operations Agreement, ito aniya ang kontrata para sa Skyway system project. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended