Hindi pa nakikilala hanggang sa ngayon ang biktimang tinatayang nasa 60 hanggang 70 gulang, may taas na 53, kayumanggi ang balat, nakasuot ng kulay brown na t-shirt, short pants at nakasumbrero.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa harap ng Commission on Human Rights sa Diliman, QC dakong alas-2:45 ng madaling-araw habang papatawid ang biktima.
Isang rumaragasang sasakyan ang sumagasa at nang-iwan sa biktima. Hindi rin nakuha ng ilang saksi ang plaka ng sasakyan.
Ayon naman kay PO3 Venus Ormita, nangangalap pa sila ng ebidensiya upang matukoy ang suspect at kung sakaling madakip ay sasampahan nila ito ng kasong reckless imprudence resulting to homicide at paglabag sa RA 4135 o abandonment of ones victim. (Doris Franche)