Tulad ng inaasahan, pinagkaguluhan hindi lamang ng mga babae at bading sa UP ang naturang oblation run dahil nagkaroon na naman ng sukatan ng mga ari ng mga APO members na tumakbo habang nakatakip ang kanilang mga mukha.
Ipinakita ng mga APO members ang kanilang mariing pagtutol sa pagbabago ng Saligang Batas na anilay wala sa panahon at hindi kailangan sa kasalukuyang sitwasyon.
Bukod dito, nais din nilang huwag ipatupad ang pagtataas ng tuition fee sa mga unibersidad at kolehiyo dahil na rin sa hirap ng kanilang mga magulang.
"Ang tingin namin, hindi pa panahon ang cha-cha dahil nakikita naming hindi pa handa ang ating political system," ani APO Grand Chancellor Max Quijano.
Ang UP ay nagpaplano ding magtaas ng matrikula mula P300 kada unit kung saan gagawin itong P1,500 bawat unit. Dapat ay itigil na umano ang patuloy na komersalisasyon sa larangan ng edukasyon at sa halip ay ibigay ang kalidad at tamang edukasyon. (Angie dela Cruz)