^

Metro

Kontra Cha-cha, tuition fee increase, dinaan sa oblation run

-
Ipinanawagan ng may 30 miyembro ng Alpha Phi Omega fraternity ang pagkontra sa Cha-cha at tuition fee increase na tumakbo ng hubo’t hubad sa tradisyunal na "Oblation run" na isinagawa 2

Tulad ng inaasahan, pinagkaguluhan hindi lamang ng mga babae at bading sa UP ang naturang oblation run dahil nagkaroon na naman ng sukatan ng mga ari ng mga APO members na tumakbo habang nakatakip ang kanilang mga mukha.

Ipinakita ng mga APO members ang kanilang mariing pagtutol sa pagbabago ng Saligang Batas na anila’y wala sa panahon at hindi kailangan sa kasalukuyang sitwasyon.

Bukod dito, nais din nilang huwag ipatupad ang pagtataas ng tuition fee sa mga unibersidad at kolehiyo dahil na rin sa hirap ng kanilang mga magulang.

"Ang tingin namin, hindi pa panahon ang cha-cha dahil nakikita naming hindi pa handa ang ating political system," ani APO Grand Chancellor Max Quijano.

Ang UP ay nagpaplano ding magtaas ng matrikula mula P300 kada unit kung saan gagawin itong P1,500 bawat unit. Dapat ay itigil na umano ang patuloy na komersalisasyon sa larangan ng edukasyon at sa halip ay ibigay ang kalidad at tamang edukasyon. (Angie dela Cruz)

ALPHA PHI OMEGA

ANGIE

BUKOD

CRUZ

DAPAT

GRAND CHANCELLOR MAX QUIJANO

IPINAKITA

IPINANAWAGAN

SALIGANG BATAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with