NAPOLCOM official inatake
December 16, 2006 | 12:00am
Lumikha ng tensiyon ang naganap na misa sa National Police Commission (NAPOLCOM) para sa pagdiriwang ng Christmas party ng mga kawani makaraang atakihin ang isang mataas na opisyal dito kahapon.
Nilalapatan ng lunas sa ngayon sa Makati Medical Center (MMC) si Commissioner Miguel Coronel, kung saan ayon kay Dra. Imerey Ramos, medical officer, may problema sa kidney, diabetic at may hypertension ang nabanggit na opisyal.
Ayon kay Dra. Ramos, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga sa Multipurpose Hall ng NAPOLCOM sa ikalimang palapag ng tanggapan. Nakatayo si Coronel nang bigla itong nahilo at natumba.
Dali-dali namang isinugod sa nabanggit na pagamutan ang nabanggit na opisyal.
Matatandaan na noong nakaraang Setyembre habang ipinagdiriwang ang ika-40 taong anibersaryo ng NAPOLCOM ay inatake si NAPOLCOM Vice Chairman Imelda Crisol-Roces, na naging dahilan ng kanyang kamatayan. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended