^

Metro

Pamilya nasabugan ng LPG: 8 sugatan

-
Isang pamilya na kinabibilangan ng walong katao ang malubhang nasugatan matapos masabugan ang mga ito ng tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) mismo sa loob ng kanilang bahay sa Parañaque City kahapon ng umaga.

Nilalapatan ng lunas sa Parañaque Community Hospital (PCH) ang pamilya Mejas na kinabibilangan nina Roger Sr., ama; Rufina, ina, kapwa 42-anyos; mga anak na sina Myla, 21, hindi pa malaman kung ilang buwang buntis ito; Mark, 5; Roger Jr., 11; Malou, 17, pawang mga nagtamo ng 3rd degree burn; Malyn, 15, 2nd degree at Marie 12, nagtamo naman ng 1st degree. Nabatid na mula sa PCH, inilipat sa Philip. General Hosp. (PGH) sina Roger Sr.; Rufina; Myla; Mark at Roger Jr.

Ayon sa imbestigasyon ni SF04 Arturo Castro, ng Parañaque City Fire Department, naganap ang insidente dakong alas-8 na umaga sa loob ng bahay ng pamilya Mejas, na matatagpuan sa Santa Cecilia St., Valley 1, Brgy. San Antonio, ng lungsod na ito.

Nabatid na nagtitinda ang pamilya Mejas ng fish ball at nagkaroon ng leak ang super kalan nito na gamit ang isang LPG tank, kung kaya’t kinalikot umano ito ni Roger Sr., para ayusin. Ngunit natanggal umano ang barbola ng naturang kalan, na naging dahilan nang pagsabog. (Lordeth Bonilla)

ARTURO CASTRO

CITY FIRE DEPARTMENT

COMMUNITY HOSPITAL

GENERAL HOSP

LORDETH BONILLA

MEJAS

MYLA

NABATID

ROGER JR.

ROGER SR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with