^

Metro

Lasing hinostage ang sarili

-
Hinostage ng isang lalaki na lango sa alak ang kanyang sarili matapos na magbanta na magsasaksak nang pasukin nito ang isang dormitoryo ng mga babae sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling-aaw.

Nakilala ang suspect na si Samson Amerol, 35, may-asawa, at walang permanenteng tirahan. Isinugod ito ng mga awtoridad sa Ospital ng Sampaloc upang lunasan ang mga sugat nito.

Sa ulat na ipinadala ni Supt. Joveth Asayo, hepe ng MPD-Station 4 (Sampaloc), dakong alas-3:51 ng madaling-araw nang pasukin ng suspect ang bahay ni Gerald Michael Tinquillo sa may #1451 G. Tuazon St., Sampaloc sa pamamagitan ng pag-akyat sa bakod.

Nabatid na pinauupahan ang naturang bahay sa mga babaeng estudyante na nagsigawan nang makita ang suspect. Agad namang nagkulong sa banyo ng bahay si Amerol habang humingi ng tulong sa mga opisyales ng barangay ang may-ari ng bahay.

Nagbasag naman ang suspect ng salamin sa banyo at nagbanta na sasaksakin ang sarili. Tumagal ang negosasyon ng mahigit isang oras nang dumating na ang mga kagawad ng Manila Police-Special Weapons and Tactics Unit.

Hinihinala na bumaba na ang tama ng alak sa biktima at nahimasmasan na ito nang magpasyang sumuko sa mga pulis.

Idiniretso naman si Amerol sa kulungan ng Station 4 at sinampahan na ng mga kaso kabilang ang alarm and scandal, trespassing at maliscious mischief. (Danilo Garcia)

vuukle comment

AMEROL

DANILO GARCIA

GERALD MICHAEL TINQUILLO

HINIHINALA

HINOSTAGE

JOVETH ASAYO

MANILA POLICE-SPECIAL WEAPONS AND TACTICS UNIT

SAMSON AMEROL

TUAZON ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with