^

Metro

2 sekyu ng abs-cbn, dedo sa motorsiklo

-
Dalawang security guard ng ABS-CBN ang namatay, habang isa pa ang sugatan matapos sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa concrete barrier sa Commonwealth Avenue kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center sina George Mallorca 26; at Gilbert Sardoma, 29, samantalang inoobserbahan pa sa pagamutan si Renzy Gargarita, 27, pawang mga security guard ng Goldlink Security Agency at nakatalaga sa ABS-CBN network.

Ayon sa imbestigasyon ng Quezon City Traffic Sector 5, dakong alas-3 ng madaling-araw nang maganap ang aksidente sa Commonwealth Avenue  malapit sa St. Peter Church.

Galing sa isang birthday party ang tatlo at pabalik na sa ABS-CBN compound nang maganap ang aksidente at bumangga sa concrete barrier ng Metropolitan Manila Development Authority ang kanilang motorsiklong Honda XRM na may plakang NO-814.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na pawang nakainom ng alak ang tatlo nang maganap ang aksidente. (Doris Franche)

vuukle comment

COMMONWEALTH AVENUE

DORIS FRANCHE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

GEORGE MALLORCA

GILBERT SARDOMA

GOLDLINK SECURITY AGENCY

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY

QUEZON CITY TRAFFIC

RENZY GARGARITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with