^

Metro

Longganisa factory sinalakay

-
Umaabot sa 500 kilo ng bulok na karne ng baboy na ginagawang longganisa ang kinumpiska ng mga tauhan ng Quezon City Hall at Quezon City Police District matapos na salakayin ang pagawaan nito sa naturang lungsod kahapon ng umaga.

Ayon kay Police Supt. Nestor Abalos, chief ng Quezon City Police District City Hall detachment, dakong 10:30 ng umaga nang salakayin ang North Diversion Market sa Balintawak.

Sinabi pa ni Abalos na ang operation ay pinangungunahan ng Business Permit and Licensing Office, Health Department, Market Division ng QC Hall at Quezon City Police.

Nabatid na ang pagsalakay sa naturang palengke ay dahil sa reklamo na pawang mga bulok at marumi umano ang mga ibinebentang karne sa 14 na store sa naturang palengke.

Ayon  naman  kay  P03  Manny Gragasin may hawak ng kaso, nakatakas ang  mga may-ari  ng 14 na tindahan na sinalakay makaraang matunugan ang pagdating ng mga awtoridad habang ang mga may-ari ng North Diversion Market sa Balintawak ay nakilalang isang Larry Lacsamana at Max Ramos.

Sasampahan ng kasong paglabag sa sanitary code, conducting business without Mayor’s permit ang mga may-ari ng mga naturang tindahan. (Doris Franche)

AYON

BALINTAWAK

BUSINESS PERMIT AND LICENSING OFFICE

DORIS FRANCHE

HEALTH DEPARTMENT

LARRY LACSAMANA

MARKET DIVISION

NORTH DIVERSION MARKET

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with