^

Metro

Kotse ni Cong. Dodot pinasabog!

- Edwin Balasa, Malou Escudero -
Kung hindi sa maagap na pagkilos ni Pasig City Congressman Robert "Dodot" Jaworski Jr. at kanyang kapatid ay posibleng nadisgrasya ang mga ito matapos na pasabugin umano ang sasakyan nila kung saan sakay sila nito kahapon ng hapon sa Pasig City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:45 ng hapon habang binabagtas nila Cong. Jaworski kasama ang kapatid nitong si Ryan at driver nito sakay sa kulay silver na Toyota Innova ang kahabaan ng C5 Road Rodriguez Avenue, Brgy. Ugong ng nabanggit na lungsod.

Nabatid sa isinagawang panayam kay Jaworski na habang tumatakbo ang kanilang sasakyan galing sa Brgy. Pineda kung saan nakiramay sila sa isang pamilyang namatayan ng may marinig silang pumutok sa ilalim at likurang bahagi ng Innova.

Ilang sandali pa ang nakalipas ay napuno na ng usok ang buong sasakyan kaya kahit na tumatakbo ito ay agad na silang nagsitalon at makalipas pa ang ilang saglit ay tuluyang sumabog ang sasakyan dahilan ng mabilis nitong pagkasunog.

Naniniwala ang mambabatas na itinanim sa ilalim ng kanyang sasakyan ang bomba.

Sinabi rin ng solon na walang ibang motibo ang pagtatangka sa kanyang buhay kundi politika dahil wala naman umano siyang kaaway o inargabyadong tao kaya politika lang ang pwedeng motibo nito.

"Humihingi ako ng tulong sa kapulisan ng Pasig na imbestigahang mabuti ang insidente dahil siguradong maimpluwensiyang tao ang nasa likod nito," pahayag pa ng batang Jaworski.

Samantala, kasalukuyan pang nag-iimbestiga ang grupo ng Explosive and Ordnance Division ng Eastern Police District para alamin kung anong klaseng bomba ang ginamit sa naturang pagpapasabog.

vuukle comment

BRGY

DODOT

EASTERN POLICE DISTRICT

EXPLOSIVE AND ORDNANCE DIVISION

JAWORSKI

JAWORSKI JR.

PASIG CITY

PASIG CITY CONGRESSMAN ROBERT

ROAD RODRIGUEZ AVENUE

TOYOTA INNOVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with