Pahinante dedo sa 2 magnanakaw
December 12, 2006 | 12:00am
Patay ang isang 16-anyos na pahinante ng trak, habang sugatan naman ang driver nito matapos na barilin ng sumpak ng isa sa dalawang magnanakaw, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Nakilala ang biktima na si Junrey Sabino na residente ng Don Bosco Youth Center Bldg sa Road 10, Bo. Magsaysay Tondo. Ginagamot naman sa Mary Johnston Hospital ang driver na si Romulo Gomolon, 28.
Mabilis namang tumakas ang dalawang hindi nakikilalang suspect dala ang improvised na shotgun na ginamit sa biktima.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima.
Nabatid na nakaparada ang minamaneho ni Gomolon na cargo truck na naglalaman ng mga kargamento nang mapansin ng pahinante nito ang dalawang lalaki na ninanakawan ang loob ng sasakyan.
Dito na sinita ni Gomolon ang mga suspect ngunit kaagad na tinutukan ito ng sumpak at sinabihan pang "huwag lalapit". Bigla namang sumugod si Sabino dahilan upang paputukan ito ng isa sa mga suspect na nagsanhi sa kanyang kamatayan. Nahagip din ng tama ng bala si Gomolon sa paa saka mabilis na nagsitakas ang dalawang suspect. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended