Nabatid kay Luzviminda Banaag, principal ng naturang paaralan na malinis at ligtas na ang mga kuwarto at maaari nang gamitin ng mga estudyante, maliban sa Room 401 na Science Laboratory Room, kung saan kailangan pa ang matinding clearing operation na rito nanggaling ang pagkalat ng chemical spill.
Nabatid sa naturang punong guro na kailangang makahabol sa mga aralin ang mahigit sa 1,000 estudyante dahil maaapektuhan ang kanilang pag-aaral, kung saan ilang linggo ring suspendido ang klase bunsod ng clearing operation.
Bukod dito, sinabi pa ni Banaag na hindi din ookupahan ang ika-apat na palapag dahil bahagyang magkakaroon ng renovation dito, kung saan papalitan ang mga sahig at storage cabinet, gayundin, ililipat ang Science Laboratory batay naman sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH).
Patuloy ang paglilinis sa lugar at kakailanganin ang karagdagang bentilasyon para sa mga mag-aaral.
Ang series ng testing sa bisinidad ng eskuwelahan ay isinagawa ng mga officials ng Department of Labor at Employment (DOLE) at Department of Environment and Natural Resources (DENR). (Lordeth Bonilla)