Mag-ama nalitson sa sunog
December 9, 2006 | 12:00am
Kapwa binawian ng buhay ang isang mag-ama matapos na malitson sa sunog na naganap kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City.
Samantala, tinatayang aabot sa P2 milyong halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog.
Hindi na makikilala ang bangkay ng mga biktima na sina Joeffrey Hernandez, 35 at anak nitong si Bianca Mariz, 4-anyos.
Sa inisyal na imbestigayon ni SF03 Roberto Nullan, ng Las Piñas City Fire Dept., naganap ang insidente dakong alas-4:42 ng madaling-araw sa kuwarto ng mag-ama sa #20 J. Yulo St., BF Homes, ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa pahayag ng katulong na nakilalang si Vilma, bago maganap ang insidente, dakong alas-3 ng madaling-araw nang umuwi ng bahay si Joeffrey at kinuha nito ang anak sa nag-aalagang katulong upang makatabi sa pagtulog.
Kung saan wala ang misis nito, dahil kaaalis lamang noong nakaraang linggo papuntang Saudi Arabia.
Ayon kay Vilma, napansin nilang may umuusok sa playroom malapit sa kanilang kuwarto at pumuputuk-putok pa ito, kung kayat pilit nilang binubuksan ang pinto, ngunit hindi nila ito nabuksan.
Kayat ang ginawa ng mga katulong ay pumunta sa likuran at doon nila narinig na sumisigaw ang mag-ama ng tulong, ngunit hindi nagawang mailigtas ang mga ito. ( Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended