^

Metro

Manhunt vs killer ng abogado, anak inilunsad

-
Inilabas na kahapon ng pamunuan ng Parañaque City Police ang cartographic sketch ng dalawang suspect na bumaril at nakapatay kay Assistant Solicitor General Nestor Ballocillo at sa anak nito noong Miyerkules ng umaga sa nabanggit na lungsod.

Samantala tinitingnan rin ng pulisya ang anggulong may kaugnayan sa ilang kontrobersiyal na kasong hawak nito ang naganap na krimen.

Sa panayam kahapon kay Police Supt. Ronald Estilles, hepe ng Parañaque City Police, hawak na nila ang limang testigo na handang magbigay ng pahayag hinggil sa naganap na pamamaslang sa naturang abogado at sa anak nitong si Benedict.

Base sa nakalap na report ng pulisya, hawak ni Asst. Solicitor General ang ilang kontrobersiyal na kaso, tulad ng PIATCO at Marcos ill-gotten wealth.

Matatandaan na noong nakaraang mga buwan ng taong kasalukuyan, pinatay sa lalawigan ng Cavite ang judge na may hawak sa kaso ng PIATCO na si Judge Hendrick Guingoyon, ng Pasay City Regional Trial Court.

Dahil ayon sa pamilya ni Ballocillo, wala silang alam na may kagalit ito at nabubuhay lamang silang pangkarinawang tao.

Nabatid na ang naturang solicitor general, kasama ang anak nito ay tinambangan ng dalawang armadong kalalakihan habang naglalakad sa Valley 1, Barangay San Antonio, Parañaque City, noong Miyerkules sa pagitan ng alas-9 at alas-10 ng umaga.

May teyorya rin ang pulisya, na posibleng nadamay lamang ang anak nito at ang talagang puntirya ng mga salarin ay ang matandang Ballocillo.

Tiniyak ng pulisya, na malulutas nila ang naturang kaso dahil sa ilang positibong lead na nakalap nila at iniimbestigahan din nila kung sino ang "utak" sa nabanggit na pamamasalang. (Lordeth Bonilla)

ASSISTANT SOLICITOR GENERAL NESTOR BALLOCILLO

BALLOCILLO

BARANGAY SAN ANTONIO

CITY POLICE

JUDGE HENDRICK GUINGOYON

LORDETH BONILLA

MIYERKULES

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT

POLICE SUPT

RONALD ESTILLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with