^

Metro

Vendors sa Quiapo, winalis

-
Mahigpit na ipinagbawal kahapon ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pagbebenta ng anumang uri ng herbal medicines sa mga lugar ng Quiapo, Maynila.

Kahapon, personal na ininspeksiyon ni Mayor Lito Atienza Jr. ang Plaza Miranda upang matiyak na wala nang magtitinda ng mga herbal medicines na sangkot sa pagbebenta ng mga abortion pills.

Subalit nadiskubre ng Alkalde na mayroon pang mga vendor na nagtitinda ng mga herbal medicine sa paligid ng simbahan kaya’t galit nitong iniutos sa pulisya ang pagbabantay at paglilinis sa naturang lugar upang hindi na makabalik pa ang mga vendor dito. Nabatid na nais ni Atienza na isulong ang Pro-Life Philippines sa lungsod dahil sa isa itong pro-life advocate.

Sa isinagawang operasyon, mahigit sa 100 tindera ng herbal medicine ang naapektuhan at nawalan ng kabuhayan dahil sa kampanya at kautusan ng Alkalde.

Ayon na rin sa mga vendor, hindi dapat idinamay ni Atienza ang lahat ng nagtitinda ng herbal medicine dahil hindi lahat ay nagbebenta ng gamot pampalaglag kundi mga orihinal na herbal medicine na karaniwang panlunas sa iba’t ibang sakit. (Gemma Amargo-Garcia)

ALKALDE

ATIENZA

AYON

GEMMA AMARGO-GARCIA

HERBAL

MAYNILA

MAYOR LITO ATIENZA JR.

PLAZA MIRANDA

PRO-LIFE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with