^

Metro

Apo pa ni Dolphy wanted sa pagpatay

-
Muli na namang nalagay sa kontrobersiya ang angkan ni Comedy King Dolphy Quizon matapos na maglunsad ng manhunt operation ang National Bureau of Investigation (NBI) upang madakip ang apo ng aktor dahil sa pagpatay sa kapitbahay nito na nagdiriwang ng kanyang kaarawan nitong nakaraang Lunes.

Pinaghahanap na ngayon ng NBI-National Capital Region ang suspect na si Rowel Quizon, matapos na humingi ng tulong ang pamilya ng biktimang si Jeffrey Vergara.

Sinabi ni Atty. Ruel Lasala, hepe ng NBI-NCR, si Rowel ay apo ni Dolphy sa anak nitong si Freddie Quizon. Una nang naaresto ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang nakababata nitong kapatid na si Nicolo na nahaharap naman sa pagpatay sa isang factory worker noong Disyembre 2005 sa Tondo. Kasalukuyang nasa rehabilitation center kung saan ginagamot sa pag-abuso sa droga si Nicolo nang dakpin ng mga pulis.

Base sa imbestigasyon, lumutang ang ilang mga saksi na diretsang nagtuturo kay Rowel na siyang nanguna sa pambubugbog hanggang sa mapatay si Vergara.

Ayon sa live-in partner ni Vergara na si Berna Fernandez, nagdiriwang ng kanyang kaarawan ang biktima nitong Disyembre 4 dakong ala-1 ng madaling-araw nang lapitan ng grupo ni Rowel at gulpihin. Pinalo umano ng suspect ang biktima ng bote ng beer sa ulo kung saan nawalan ito ng malay.

Nagising naman ang biktima at nagpilit na ayos lang ang kalagayan niya. Muli itong natulog ngunit nagising kinahapunan ng Disyembre 4 na masakit ang ulo kaya isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center kung saan ito binawian ng buhay. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BERNA FERNANDEZ

COMEDY KING DOLPHY QUIZON

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DANILO GARCIA

DISYEMBRE

FREDDIE QUIZON

JEFFREY VERGARA

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MULI

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with