^

Metro

3 bodyguard ni Sen. Madrigal nambugbog ng parak

-
Tatlong bodyguard ni Senator Jamby Madrigal ang nahaharap sa patung-patong na kaso matapos na pagtulung-tulungang bugbugin at pagnakawan ng mga ito ang isang pulis-Quezon City kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Pormal na nagsampa ng reklamo sa Quezon City Police District Kamuning Police Station si PO1 Gerardo Rodriguez laban kina Kristofferson Estrada, 28; Rene Rodriguez, 32; at Joe Alfonso, 36, na sinasabing mga nakatalaga bilang aide ni Madrigal sa Senado.

Ayon kay PO1 Rodriguez, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang madaanan niya sa panulukan ng Sct. Torillo at Sct. Delgado, Brgy. South Triangle ang umano’y pangha-harass ng tatlong bodyguard sa negosyanteng si Willy Lim.

Lumilitaw na nakabanggaan ng isa sa mga motorsiklo ng mga suspect ang sasakyan ni Lim sa nasabing lugar kung kaya’t namagitan naman si Rodriguez. Subalit laking gulat nito nang bigla siyang dinisarmahan at ginulpi ng mga suspect na pinaniniwalaang nakainom ng alak.

Natigil lamang ang kaguluhan nang dumating ang mobile car ng QCPD kung saan pinakiusapan ang tatlo na sumama nang maayos upang maiwasan ang anumang gulo. Bagamat narekober ang service firearm ng pulis, nawawala naman ang magazine ng baril nito, wallet at relo.

Ayon sa pulisya, bagamat mayroong firearms license ang Gloc caliber .45 ng mga suspect, tanging mission order lamang ang bitbit ng mga ito at hindi permit to carry firearms outside residence. (Doris Franche)

vuukle comment

AYON

DORIS FRANCHE

GERARDO RODRIGUEZ

JOE ALFONSO

KRISTOFFERSON ESTRADA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT KAMUNING POLICE STATION

RENE RODRIGUEZ

SENATOR JAMBY MADRIGAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with