^

Metro

2 killer ng PDA exec, timbog

- Doris Franche-Borja -
Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang masahista at security guard na sangkot sa pagpaslang sa executive producer ng programang Pinoy Dream Academy sa ABS-CBN na si Joselito Siervo matapos ang isang buwang surveillance at monitoring sa lalawigan ng Aurora, Baler.

Iniharap kahapon sa media ni Sr. Supt. Magtanggol Gatdula, QCPD Director ang mga suspect na sina Alfie Cabatuando, 24, masahista, at si Christopher Dasugo, 37, security guard, kapwa nagtatrabaho sa Feel’s So Good Massage Center sa Pat Senador St. San Francisco del Monte at mga residente ng 4961 Lanzones St. San Vicente Ferrer, Camarin, Caloocan.

Ayon naman kay Supt. Franklin Moises Mabanag, hepe ng QCPD-CID, ang pagkakadakip sa mga suspect ay bunga na rin ng pagkaka-trace ng cellphone ni Siervo. Nabatid na nakipagtagpo ang mga tauhan ng CID sa umano’y  tumatayong  "mamasang" hanggang sa magkita sa Banawe Avenue, Quezon City.

Nabatid naman kay Cabatuando, tinawagan umano siya ni Siervo, 24, upang magpa-home service massage kaya’t agad naman silang pumunta sa inuupahang apartment ng biktima kasama si Dasugo. Nagkasundo sila sa halagang P1,000.

Ngunit sa kalagitnaan ng pagmamasahe ng suspect ay may pinagagawa sa kanya si Siervo na umano’y kababuyan subalit hindi umano niya magawa hanggang sa magalit ang biktima sa kanya at hindi siya bayaran ng pinagkasunduang presyo.

Dito na nagdilim ang kanyang paningin hanggang sa kunin niya ang dalang kutsilyo at sinaksak si Siervo. Dito na rin tinawag ni Cabatuando si Dasugo na siya namang humawak sa biktima habang patuloy niya itong sinasaksak.

Tinangay din nila ang dalawang ATM cards, digital camera, cellphone, kung saan nakapagwithdraw ang mga ito ng P16,000 at P2,000 sa dalawang ATM cards ni Siervo. Nakuha umano ng mga suspect ang pin number ng mga ATM cards sa kapirasong papel na nakalagay sa wallet ng biktima. Matatandaang natagpuang nakahubad at tadtad ng saksak sa katawan ang biktima sa ibabaw ng kama sa kanyang inuupahang apartment noong Nob. 3, 2006 ng umaga.

vuukle comment

ALFIE CABATUANDO

CABATUANDO

CHRISTOPHER DASUGO

DASUGO

DITO

DREAM ACADEMY

FRANKLIN MOISES MABANAG

SIERVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with