^

Metro

3 kilabot na holdaper hindi umubra sa nursing student

-
Arestado ang tatlong kilabot na holdaper matapos na walang takot na manlaban at habulin ng isang 19-anyos na nursing student nilang biktima sa lungsod ng Malabon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspect na sina Romeo Lazado, 33-anyos, pamangking si Rodante Lazado, 18-anyos at Crisanto Almagro, 24-anyos; pawang mga residente ng 139 Lapu-Lapu St., Brgy. 79, Caloocan City.

Sila ay naaresto nang habulin ng biktimang si Jicelle Sonza, 3rd year student sa kursong Nursing sa University of the East (UE) at residente ng 142 Villa Maria St., Caloocan City.

Ayon sa ulat ni PO2 Benjamin Sy Jr., may-hawak ng kaso, bukod sa pagiging estudyante ni Sonza ay nagtatrabaho din bilang saleslady sa Puregold grocey store sa Valenzuela City.

Nabatid na ganap na alas-11:30 ng gabi nang mangyari ang insidente habang ang biktima at mga suspect na nagkunwaring mga pasahero ay kapwa sakay ng isang pampasaherong jeep na may biyaheng Malanday-Recto at binagtas ang kahabaan ng McArthur Highway sa lungsod.

Pagsapit sa Brgy. Potrero Malabon City ay saka nagdeklara ng holdap ang mga suspek sabay tutok ng patalim sa biktima at hablot sa dala nitong shoulder bag.

Subalit bago tuluyang makuha ng mga suspect ang bag ay nagawa pang makipag-pambuno ang biktima sa mga ito, pero nagawa ring makuha ng mga una at mabilis na nagsipagbabaan sa jeepney at tumakas.

Hindi naman nawalan ng lakas ng loob ang biktima kung saan sa halip na matakot ay sinundan nito ang mga suspect kasabay ng paghingi ng saklolo sa mga taumbayan.

Tiyempo namang nagdaraan ang mga nagpapatrulyang pulis na sina PO2 Armando Sandil at PO1 Aldrin Manlapaz at hinabol ang mga suspect hanggang sa maaresto ang mga ito. (Ellen Fernando)

ALDRIN MANLAPAZ

ARMANDO SANDIL

BENJAMIN SY JR.

BRGY

CALOOCAN CITY

CRISANTO ALMAGRO

ELLEN FERNANDO

JICELLE SONZA

LAPU-LAPU ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with