^

Metro

28-anyos napagtripan, patay sa saksak

-
Nasawi ang isang salesman matapos na pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang mga suspect na hinarang sa kanyang daraanan, kamakalawa ng gabi sa Binondo, Maynila.

Ilang oras pang nakipaglaban sa kamatayan bago tuluyang nasawi dakong alas-5 ng umaga kahapon sa Metropolitan Hospital ang biktimang si Sammy Hamor, 28, na nagtatrabaho sa 168 Mall sa Binondo, Maynila at residente ng Landasca St., Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Sa ulat ng MPD-Homicide Section naganap ang pamamaslang dakong alas-8 ng gabi sa kahabaan ng Soler St., Binondo.

Papauwi na ang biktima kasama ang ilang mga katrabaho nang harangin ng isang grupo ng mga lalaki. Dito na pinagtulungang saksakin ng dalawang suspect si Hamor habang hindi naman ginalaw ang mga kasamahan nito.

Matapos ang pananaksak ay isa-isa nang nagpulasan ang mga suspect. Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga salarin na posible umanong residente rin sa Binondo at maaaring nakairingan ng biktima kaya ito pinaslang. (Danilo Garcia)

BINONDO

CALOOCAN CITY

DAGAT-DAGATAN

DANILO GARCIA

HOMICIDE SECTION

LANDASCA ST.

MAYNILA

METROPOLITAN HOSPITAL

SAMMY HAMOR

SOLER ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with