^

Metro

Driver na nakainom, bawal sa Navotas

-
Nagbabala kahapon ang lokal na pamahalaan ng Navotas na kanilang aarestuhin ang sinumang driver na papasok sa kanilang teritoryo na mapapatunayang nasa impluwensiya ng alak o lasing.

Inatasan ni Navotas Mayor Toby Tiangco si Supt. Genesis Tulejano, hepe ng pulisya at ang Public Order and Safety Office (POSO) na ipatupad ang umiiral na Municipal Ordinance 2004-13 na naglalayong hulihin at pagbayarin ang sinumang lalabag dito.

Sa nilalaman ng ordinansa, aabot sa P2,000 ang multa na ipapataw sa sinumang driver na mapapatunayang nagmamaneho ng lasing o nakainom ng alak at pumasok sa teritoryo ng Navotas.

Bukod dito, may parusa ring isang araw na pagkabilanggo o parehong pagkakakulong at multa ang aabutin ng mga violators dito.

Iginiit ni Tiangco na layunin ng kanyang kautusan na panatilihin ang kaligtasan ng mga motorista at commuters lalo na ngayong pagsapit ng Kapaskuhan.

Aniya, karamihan sa mga kasong naitala sa Traffic Department hinggil sa mga vehicular accidents ay ang kapabayaan ng driver dahil na rin sa hindi nito makontrol ang sarili na makaidlip habang nagmamaneho bunga ng kalasingan at epekto ng alak.

Kaugnay nito, mahigpit na ipapatupad ang mga checkpoints lalo na sa gabi upang masawata ang mga driver na hinihinalang nagda-drive ng lasing. (Ellen Fernando)

ANIYA

BUKOD

ELLEN FERNANDO

GENESIS TULEJANO

IGINIIT

MUNICIPAL ORDINANCE

NAVOTAS

NAVOTAS MAYOR TOBY TIANGCO

PUBLIC ORDER AND SAFETY OFFICE

TRAFFIC DEPARTMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with