^

Metro

Mga batang manggagawa pasasayahin

-
Upang mapasaya ang mga batang maagang napasabak sa pagtatrabaho ngayong Kapaskuhan, inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang programang "Angel Tree" na naglalayong mapagbigyan ang mga kahilingan ng mga child laborers sa bansa.

Ayon kay DOLE Sec. Arturo Brion, ang proyekto ay inilunsad upang mabigyan ng kasiyahan ang mga batang manggagawa na dumaranas ng kahirapan sa kanilang murang edad.

Tinawag na "Angel tree" ang programa kung saan sumisimbolo ito sa puno na namumunga ng prutas. Kabilang sa mga serbisyo na ibibigay sa mga child laborers at pamilya nito sa pamamagitan ng donor assistance ay pagkain, damit, pangangailangan sa bahay, livelihood, educational at medical assistance at trabaho o pangkabuhayan.

Nabatid sa mga opisyal ng Wish registry na tatanggapin ang kahilingan ng mga bata na nakatala sa National Program Assist Child Labor (NPACL) official masterlist of child laborers na isinumite sa NPACL at DOLE. Hindi rin tatanggapin ang mga indibidwal na kahilingan dahil ang proyekto ay para lamang sa Child Labor Program.

Kabilang sa mga beneficiaries ng programang Angel tree ang 9 na iba’t ibang child foundation sa bansa kung saan ay hiniling ng mga batang ito ay pagkain sa noche buena, gamot sa maysakit nilang pamilya, laruan, damit at educational assistance. (Grace dela Cruz)

ANGEL TREE

ARTURO BRION

AYON

CHILD

CHILD LABOR PROGRAM

CRUZ

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

KABILANG

NATIONAL PROGRAM ASSIST CHILD LABOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with