Inuman niratrat: 1 dedo
December 5, 2006 | 12:00am
Isang lalaki ang nasawi matapos ang naganap na pamamaril dahil sa pagtanggi na itigil ang kanilang maingay na inuman, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Nakilala ang nasawi na si Rodolfo Salvatiera, 23, ng Pilapil St., Tondo.
Bugbog-sarado naman ang ama nitong si Mang Rafael, 53, na kaumpok din ng nasawi sa inuman.
Samantala, pinaghahanap naman ng pulisya ang mga pangunahing suspect na si Jerold Nunez, 24, at pinsang si Jeffrey Geronimo, 26, alyas Butchoy, residente rin sa naturang lugar. Kasalukuyan namang nasa kulungan dahil sa pambubugbog sa matandang Salvatiera sina Robert de Jesus, 32; at Jessie Allan Flores, 36.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa kahabaan ng Pilapit St., Tondo.
Masayang nag-iinuman ang grupo ng mag-ama sa labas ng kanilang bahay nang bigla na lamang umanong dumating si Nunez kasama sina Dennis Ching, de Jesus at Flores.
Pinagsabihan umano ni Nunez na itigil ang inuman at patayin ang malakas na pagpapatugtog dahil sa nakakabulahaw umano. Nakipagtalo naman ang biktima kasama ang ama nito na inumpisahang bugbugin ng mga suspect.
Hanggang sa maglabas ng baril si Nunez at paputukan ang biktima, samantalang ang pinsan nitong si Geronimo ay nagpaputok din ng baril buhat sa terrace ng kanilang bahay.
Sinabi naman ni MPD-Homicide Commander Chief Inspector Alejandro Yanquiling na iniimbestigahan nila ngayon ang umanoy ginawa pakikialam ng ama ng suspect na si Nunez na isang pulis na siyang nagpatakas sa anak nito at kay Geronimo. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended