Driver, nagbigti
December 4, 2006 | 12:00am
Dala ng sobrang kalungkutan, winakasan na ng isang driver ang kanyang buhay nang mabigti ito sa loob ng kanyang bahay kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Dakong ala-1:30 ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay ni Herman Saludo, 40, ng no. 842 Mayon St. Brgy. Maharlika, Quezon City na nakabigti pa ng electrical wire.
Sa report na tinanggap ni Quezon City Police District- Criminal Investigation Division (QCPD-CID) chief, Supt. Franklin Moises Mabanag, tinungo ni Edmon Manija ang bahay ng biktima upang yayaing uminom.
Nagulat na lamang ito nang makitang nakabukas ang pinto ng bahay ng biktima at walang sumasagot. Minabuti na lamang ni Manija na tunguhin ang ikalawang palapag ng bahay kung saan nakita nitong nakabigti ng electrical wire ang leeg ng biktima.
Madalas umanong mabanggit sa kanya ng biktima ang kalungkutang nararamdaman nito lalo pat papasapit na ang Pasko. Magsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya upang malaman kung may foul play sa pagkamatay ng biktima. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended