^

Metro

Witness sa Orsolino slay, nang-rape

-
Arestado ang suspect turned witness sa Orsolino slay matapos na gahasain umano nito ang kanyang 19-anyos na hipag sa mismong comfort room ng Caloocan Police Station, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Personal na dumulog kamakalawa sa tanggapan ng Caloocan Women and Children Desk Section ang biktima na itinago sa pangalang Betsy upang maghain ng kasong rape laban sa kanyang bayaw na si Rommel Lirasan, witness sa pagpatay sa reporter ng pahayagang Saksi na si Alberto Orsolino noong Mayo 16, 2006.

Si Lirasan ay nasa pangangalaga ng Caloocan City Police matapos na mailagay ito sa Witness Protection Program ng Department of Justice at malayang nakakagala sa naturang istasyon ng pulisya.

Ayon sa biktima, naganap ang insidente noong Nobyembre 19, 2006 dakong alas-12 ng hatinggabi. Aniya, nagtungo siya sa Caloocan Police Station upang dalawin si Lirasan kasama ang anak ng huli ng nasabing araw.

Nagtanong umano siya sa suspect kung sang lugar maaari siyang magbihis kaya itinuro naman ng suspect ang comfort room ng naturang istasyon. Habang nagbibihis ay bigla na lamang siyang pinasok ni Lirasan saka ginahasa.

Dahil sa sumbong ng biktima agad ding inaresto at ikinulong ng mga pulis si Lirasan habang nakabinbin sa korte ang kasong pagpatay kay Orsolino. (Ellen Fernando)

vuukle comment

ALBERTO ORSOLINO

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN POLICE STATION

CALOOCAN WOMEN AND CHILDREN DESK SECTION

DEPARTMENT OF JUSTICE

ELLEN FERNANDO

LIRASAN

ORSOLINO

ROMMEL LIRASAN

SI LIRASAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with