^

Metro

NPD-OIC, sinibak

-
Sinibak na ang officer-in-charge ng Northern Police District na si Sr. Supt. Rufino Druja matapos na makakita ng ipapalit dito ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa katauhan ni Chief Supt. Pedro Tango ng Philippine Military Academy Class ’77.

Ito naman ang kinumpirma ni Deputy Director General Avelino Razon, Jr., deputy chief PNP for Administration kasabay ng turn over ceremony ngayon araw sa Camp Bagong Diwa.

Si Chief Supt. Roberto Rosales ang magiging bagong director ng Southern Police District (SPD) kapalit ni Chief Supt. Ricardo Padilla na itatalaga naman bilang commander ng Police Regional Office 5 sa Bicol Region. Una na ring hiniling ng mga residente at kaanak ng mga biktima ng karahasan sa Camanava area ang pagsibak kay Druja at maglagay ng opisyal na epektibo sa trabaho matapos na balewalain umano ng opisyal ang mga karumal-dumal na krimen.

Ilan sa mga krimen sa panunungkulan ni Druja ay ang pagpapasabog ng granada sa lamay ng pinaslang na si Ceferino Galarce, ang ama ng star witness sa Ralph Runez slay na si Charles Galarce. Umaabot sa dalawa ang patay habang 22 naman ang sugatan nang hagisan ng granada ang lamay ni Ceferino. Wala din umanong naging aksiyon si Druja sa kaso ng pinaslang na photojournalist na si Dick Melendrez at tangkang pagpatay sa anak nito kamakailan. (Ellen Fernando)

BICOL REGION

CAMP BAGONG DIWA

CEFERINO GALARCE

CHARLES GALARCE

CHIEF SUPT

DEPUTY DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON

DICK MELENDREZ

DRUJA

ELLEN FERNANDO

NORTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with