^

Metro

BJMP-OIC chief, sibak sa puwesto

-
Sinibak sa puwesto ni Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno si Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)Chief Supt. Antonio Cruz bilang officer in charge ng nasabing kawanihan.

Ayon kay DILG Undersecretary Marius Corpus, ang pagsibak kay Cruz ay bunga na rin ng pagtatapos ng anim na buwang panunungkulan nito bilang OIC.

Aniya, batay sa Civil Service Rules, hindi dapat na lumagpas sa naturang panahon ang pagiging OIC ni Cruz at kinakailangan na mayroong third level eligibility

Maging ang next in line na Deputy BJMP chief na si Chief Superintendent Armando Llamasares ay hindi rin maaaring ipuwesto bilang chief BJMP dahil hindi ito pasado sa Civil Service Eligibility.

Sinabi ni Corpus na siya muna ang pansamantalang pupuwesto bilang hepe ng BJMP bagama’t inirekomenda ni Secretary Puno si Chief Supt. Clarito Jover upang pumalit sa puwesto ni Cruz.

Nilinaw ni Corpus, na ang pagkakasibak kay Cruz ay walang kinalaman sa kontrobersiyal na paglilipat ni Charlie "Atong" Ang sa Metro Manila District Jail mula sa Quezon City Jail. Iginiit nito na hinihintay na lamang nila ang desisyon ng Sandiganbayan sa usapin at susundin na lamang nila ito kung pinal na ang desisyon. (Doris Franche)

ANTONIO CRUZ

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CHIEF SUPERINTENDENT ARMANDO LLAMASARES

CHIEF SUPT

CIVIL SERVICE ELIGIBILITY

CIVIL SERVICE RULES

CLARITO JOVER

CRUZ

DORIS FRANCHE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with