^

Metro

15 kilo ng marijuana nakumpiska

-
Nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa isinagawang operasyon sa Caloocan City ang isang notoryus na supplier ng marijuana at nasamsam dito ang may 15 kilo ng ‘damo’, kamakalawa ng madaling-araw.

Nakilala ang nadakip na suspect na si Alex Segundo, 28, ng Bayabas San Gabriel, La Union.

Nabatid sa ulat na si Segundo ang isa sa pinakamalaking supplier ng marijuana sa mga lungsod ng Maynila, Caloocan at Quezon City.

Isang buwan umanong nagsagawa ng surveillance ang mga operatiba ng AIDSOTF sa kilos ng suspect. Nagawang makalapit ng mga operatiba nang isa ang magpanggap na buyer at umorder ng kilu-kilong marijuana.

Naitakda naman ang pagdeliber ng ‘damo’ sa likod ng Grand Central shopping mall sa Rizal Avenue sa Caloocan City. Agad na dinakip si Segundo matapos na ipakita ang isang plastic bag na naglalaman ng marijuana.

Nakumpiska rin dito ang isa pang plastic bag kung saan umaabot lahat sa 15 kilo ng damo ang nakuha ng mga pulis.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa nadakip na suspect. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALEX SEGUNDO

BAYABAS SAN GABRIEL

CALOOCAN CITY

DANILO GARCIA

GRAND CENTRAL

LA UNION

MANILA POLICE DISTRICT

QUEZON CITY

RIZAL AVENUE

SEGUNDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with