Pulis kinotongan ng kapwa pulis
December 1, 2006 | 12:00am
Isang bagitong pulis ang inaresto ng kanyang mga kasamahan matapos na kotongan ang kapwa niya pulis ng halagang P100 sa Malate, Maynila.
Nakaditene ngayon sa Manila Police Headquarters ang suspect na nakilalang si PO1 Romeo Flores, 34, nakatalaga sa MPD-Station 9.
Sa ulat ng MPD General Assignment Section (GAS), naganap ang pangongotong dakong alas-10 ng gabi sa may Plaza Rajah Sulayman sa Malate na dito dumaan ang biktimang si PO2 Henry Ligson at asawa nito na sakay sa isang motorsiklo.
Pinara sina Ligson ng suspect na si Flores at sinabihan ang una na bawal pumasok sa naturang plaza ang motorsiklo. Humingi naman ng paumanhin si Ligson na hindi nagpakilalang pulis, ngunit nagmatigas si Flores at nanghingi umano ng P100 upang pauwiin na sila.
Nagbigay naman si Ligson, gayunman dumiretso ito sa MPD Headquarters kung saan inireklamo ang pangongotong sa kanya ni Flores. Mabilis namang nagresponde ang mga tauhan ng MPD-GAS at inaresto si Flores. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended