^

Metro

Mister nagbigti sa hirap ng buhay

-
Matapos ang mainit na pagtatalo sa kanyang misis, isang mister ang winakasan ang sariling buhay sa pamamagitan nang pagbibigti dahil na rin sa nararanasang hirap sa Sta. Cruz, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Dennis Talag, 35, tubong San Jose del Monte, Bulacan at naninirahan sa 832 Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga nang madiskubre ng misis nitong si Marie ang nakabiting bangkay ni Dennis sa loob ng inuupahan nilang kuwarto.

Ayon kay Marie, nagkaroon sila ng pagtatalo kamakalawa ng gabi ng asawa dahil sa kakapusan sa panggastos sa araw-araw, dumagdag pa umano ang kawalan nila nang pambayad sa upa sa bahay.

Dahil dito, hindi umano natulog sa kanilang bahay ang misis at kinabukasan na ito bumalik na doon nga nadiskubre ang ginawang pagpapakamatay ng kanyang asawa.

Isang suicide note ang nadiskubre ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na doon nakalagay ang matinding paghihirap na dinadanas dahil sa kakapusan ng pamilya, humingi rin ito ng patawad sa kanyang asawa at mga anak. (Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

BULACAN

CRUZ

DAHIL

DANILO GARCIA

DENNIS TALAG

MAYNILA

OROQUIETA ST.

SAN JOSE

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with