Sa inisyal na report na nakarating sa tanggapan ni Police Supt. Ronald Estilles, hepe ng Parañaque City Police, naganap ang insidente dakong alas 2:00 ng madaling araw sa ASPAC International Incorporated, sa kahabaan ng Kaingin Road, Multinational Village ng nabanggit na lungsod.
Ayon kay Monico David, director sa kompanya, na dumating ang pitong armadong kalalakihan na pawang mga armado ng matataas na kalibre ng baril sa tanggapan. Nagpakilala ang mga ito na mga pulis at ilang saglit ay nagdeklara ng holdap, tinutukan ng mga ito ang ilang kawani na naka-duty ng oras na iyun.
Tinangay ng mga suspect ang ilang service firearm ng mga nakatalagang mga guwardiya, cellphone at hindi pa mabatid na halaga nang ransakin ng mga ito ang safety vault ng naturang kompanya.
Matapos ang isinagawang panghoholdap mabilis na nagsitakas ang mga suspect lulan ng dalawang sasakyan na may mga plakang WRJ-519 at WDK-641.
Hanggang sa ngayon ay nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga police hinggil sa insidente. (Lordeth Bonilla)